Biyernes, Hunyo 15, 2012

My Pers Taym


(THIS ARTICLE WAS WRITTEN IN 2004, KONTING EDIT AT REPOST KO LANG DITO, NAHALUNGKAT AT NABASA KO KANINA. NATAWA LANG AKO, NA-MISS KO ANG PAGSUSULAT. NA-MISS KO ANG FREE-TIME...)

Hindi ko naman ipinagyayabang o ikinakahiya, ewan ko lang kung bakit kailangan kong isulat ito. May mga bagay na hindi na dapat pinag-uusapan pa, may mga pangyayaring hindi naman kailangang ibalita, may mga lugar na hindi naman dapat marating ng bawat isa, at may mga karanasang hindi kailangang i-share sa mga kakilala… pero bilang alagad ng literatura at kuryosidad, pakiramdam ko’y tungkulin kong kayo’y bahaginan ng kahit karampot na persepsyon sa aking pananaw at karanasan…

Sabi nga, sa Komiks natutong bumasa ang mga Pilipino, hindi sa buklet ng “Abakada”? Ewan ko sa iba, sa akin kasi hindi umubra ang “Abakada” nung kinder ako, mula nang makita kong “gumalaw” ang litrato ng “kuba” sa isa sa mga pahina nuon, mula sa pagkakayuko, nakita kong tumuwid ito ng pagtayo at nang tawagin ko ang pinsan ko para tingnan iyon, bumalik “sya” sa pagkakayuko. Hanggang ngayon, ayokong makakita ng buklet ng “Abakada”… Ang natatandaan ko na lang duon ay ang mga salitang “bababa ka ba Ka Ada?”, tapos, wala na. Mas nasanay nga ako sa Komiks ng Liwayway Magasin, linggo-linggo kaming may rasyon ng Liwayway nuon. Hindi ko na inabutan ang mga kwentong Lastikman, Dyesebel, Kapteyn Barbel, darna at kung anu-anupang mga sinapelikulang kwento ni Mars Ravelo. Yung “Bondying” lang ang parang nakita ko pa ang kopya mula sa aparador ng Ninang ko, early 80’s pa kasi yun. 

Anyways, mga eleven years old na ako nang mahumaling naman ako sa pagbabasa ng maiikling kwento sa Liwayway, na di naman din nagtagal, pati dugtungang nobela ay kinahumalingan ko na rin. Inabutan ko ang kwento ng “Laro sa Baga”, oo, yung ginawang sine na si Jay Manalo ang bida. Sa totoo lang, nabasa ko ang screenplay nila, maganda nga, pero mas maganda pa rin yung sa Liwayway mismo, siguro dapat ay yung mismong uncut version ng libro ang binasa ko. Hindi ko naman “nabasa” nang totoo sa Liwayway ang “Laro Sa Baga” na as in yung dugtungan, kasi, four years old pa lang yata ako nang mag-umpisa yun, at dipa ako marunong magbasa nun, nakikita ko lang na binabasa ng matatanda sa amin. Yung ibang nahalungkat kong 19-kopong-kopong na isyu ng Liwayway, parang mas erotic basahin yun sa Liwayway kesa panoorin. Tsaka, magaling talagang writer si Edgardo M. Reyes.

Bukod kay Edgardo M. Reyes, ilan sa mga kilalang manunulat ng Liwayway na inabutan ko ay sila Lualhati Bautista, Rodolfo Salandanan, at Leonardo T. Buluran. Pero higit sa lahat, ang pinakamagaling na writer para sa akin, si Benjamin Pascual! Kung pilyo ka, makulit at malikot ang imahinasyon, malamang mababaliw ka sa mga sulat ni Benjamin Pascual. Nakakahiya mang aminin, nang mga panahong binabasa ko ang mga nobela ni Benjamin Pascual, napakamura pa ng edad ko para kayanin ang tema ng kwento nya. May pagka-sexy pero light lang, pilyo nga! May kwento sya tungkol sa isang impotent na nag-asawa ng magandang babae na frustrated na ma-divirginize, na ang title ay “Ibong Adorno”. Hindi ko na ren ikukwento, baka di na talaga kayo makarelate, at tanungin na ako kung ano ba talaga ang essence ng kwento ko…

Well, kailangan ko kasing mabanggit si Benjamin Pascual, medyo idol ko to sa pagsusulat eh. Kahit na hindi ko sya mapantayan, yung mga ideas nya ang nagpapasaya sa akin kapag naaalala ko ang early days of my ambition to be a writer. Sobrang hanga ko sa kanya, kailangan ko talagang banggitin! Mahal na nga lang ang Liwayway ngayon kaya hindi ko na alam kung sumusulat pa rin sya ng nobela, at kung buhay pa ba sya… medyo matanda na kasi ang picture nyang naka-insert nuon sa mga nobela nya, and to think na 19hundreds pa yun anoh! Whatever happened to him, I really have to say na super idol ko sya (sakaling sumikat din ako sa pagsulat, para hindi naman sabihing wala akong utang na loob).

Hindi nawawala sa mga kwento ni Benjamin Pascual at ng iba pang manunulat ang pagpasok ng pangunahin nyang tauhan sa isang motel, at sa twina, ilalarawan nya ang paligid ng isang kwarto sa motel. Kahit na pare-pareho halos ang deskripsyon ng lahat tungkol sa isang motel, nanduon pa rin ang curiosity kong makapasok sa isa. Maging malinis o marumi man ang intensyon at dahilan ng pagpasok duon, gusto ko talagang makapasok sa isang motel. Pakiramdam ko, hindi ako magiging kumpletong manunulat kung hindi ako mapapasok sa ganuong lugar. Pakiramdam ko nga, kahit hindi ako magsulat, kailangan kong makapasok sa motel! Alam kong hindi lang naman ako ang may gusto ng ganun, yung iba, nahihiya lang aminin, pero oo ren ang sagot nila.

Hindi na nga siguro ako dapat magkwento pa, malamang marami na ren sa inyo ang nakapasok na sa isang motel. Kung ano ang kaibahan ng motel sa otel sa hotel o sa transient house, hindi ko alam. Pero bakit nga ba dito sa Pilipinas, masama ang konotasyon sa motel? Bahala na kayong sumagot dyan, medyo obvious na ren naman ang sagot, mahirap na nga lang ipaliwanag. Hindi ko na kayo pipiliting magkwento ng karanasan nyo sa pagpasok nyo sa isang motel, dahil kung iyon ang gusto nyo, mabuti pang isulat nyo na lang yan kay Xerex Xaviera (na by the way, hindi na magaganda ang mga kwentong inilalabas nila ngayon, hindi na worth ang anim na piso nyong bumili ng Abante). Pero, ia-appreciate ko rin naman kung padadalhan nyo ako ng kopya, lalo na kung sa palagay nyo ay interesting.

Most of the time dito sa atin, ang motel ay hindi lang palipasan ng gabi, hindi lang iyon isang lugar para may mapagpahingahan ang isang biyahero, it’s more than that. Yung iba, walang intensyong makalipas ang gabi, ang gusto nga nila ay panandaliang oras lang, ang tawag nga nila duon ay “quicky” na nagtatagal lamang ng dalawa haggang tatlong oras,na sa intensyon din nilang iyon, ang dalawa hanggang tatlong oras ay masasabi na nating mahabang oras na rin, marami na rin ang maaaring mangyari. At tulad ng sinabi ko, hindi lang pagpapahinga ang intensyon nila sa pagpasok duon, kundi angmagpapawis, magpagod, maghugas, at saka pa lang magpahinga, kung may natitira pang oras.

Bihira sa nagpupuntasa motel ang nag-iisa, kadalasan ay dalawa, kadalasandin sa dalawang iyon ay isang babae atisang lalaki. Wala lang akong istatistika kung ilansa kanila ang mag-asawa, magkaibigan, mag-nobyo, magkaklase, kasamahan sa trabaho, mag-faculty members (o professor at estudyante kapalit ng “tres”, para makapasa lang), bagong kakikilala (mga 30 minutes ago), mga mag-business partners (either sa isang legal na negosyo; o customer sa club o na pick-up sa tabi-tabi) mag-amo (as in, si Kuya at si Indayo kaya’ysi Ma’amat ang hardinero o driver na ang kadalasang pangalan ay Boy: kapwa na sa palagay ko nama’y kapwa bihirangpumunta sa ganitong lugar dahil may kusina naman angbahay nila Ma’am at Sir diba!).
Yung first time kong makapasok dun, nag-fall ako sa category ng kasamahan sa trabaho ang kasama ko, pero hindi sya taga-ofis, naka-kasama ko lang sa daan, sa ospital… Ting-ting-ting! (at sumilay ang isang malapad na ngiti sa labi ng mga mambabasa…) At babae rin sya… (at nanlaki ang mga mata nila sa pagkabigla, may napaatras, may napadukdok, may napangiwi, may napasambit ng “wow!”, meron ding nagsabing “sabi ko na nga ba!” at maraming nanghihinayang at napapalatak na napausal ng “saying, ancute pa naman nya!”) Pag sinabi ko bang “we’re just friends” at “walang nangyari sa amin” maniniwala kayo? Bwahaha! Ganito na lang, ikukwento ko na lang ang “nangyari”. (Wink wink!)

Bad trip ako nang araw na iyon, tanghali na wala pa akong nakokoberan, gutom na ako at nagkataong gutom na rin s… teka, bawal sabihin ang tunay nyang pangalan at ang company nya, para na rin sa kanyang proteksyon, tatawagin natin syang Monette, okay ba? So ayun nga, nagkaayaan kaming kumain sa isang vrinderia malapit sa ospital. Syempre, nagkwentuhan kami. Medyo nga naging personal pa ang mga naikwento nya sakin, medyo nahiya nga ako dahil hindi naman kami ganuon ka-close. So, to break the whatever very personal naming pinag-uusapan, napadaing ako ng, “nakakatamad naman ngayon, ang init-init, sanka pupunta after ditto? Ako, wala, tanbay ako hanggang alas-kwatro, san kaya ako papalipas ng oras?” Sumagot sya, “wala rin akong pupuntahan e, may usapan kaming lalabas ng barkada ko, puntang Malate, kaso mamya pa yun! Ayoko nang magtrabaho.” “Ako kelangan ko pang magtrabaho, pero pero mamya pa nga. Sarap sanang matulog, kung may kotse lang sana ako, dikona problema ang tutulugan kahit mainit.” Sabi ko. Walang anu-ano, nasabi nyang, “Mag-motel tayo!” Natawa lang ako at napakindat. “Hindi nga, nagpupunta kami ng mga kaibigan ko sa motel, wala lang, nagpapahinga.” Sabi nya. “Talaga? Hindi kayo nag-ga-gangbang? Ha ha!” nanunulis ang labi kong sabi. “Oo nga! Tara, motel tayo!” “yoko nga, mahal!” “Ano ka ba, two hundred lang! Ano, sige na, ako magbabayad!” pamimilit nya (syempre, kelangang palabasing pinilit ako di ba!). Pero tulad ng sabi ko, pinangarap ko na iyon kaya pumayag ako. Harmless naman si Monette. Harmless din naman ako. Sya naman ang magbabayad. Sapagkat kuripot ako…

Hinadali ko tuloy ang pagkain ko, mas mabilis akong matapos kumain, mas madali kaming makakapag-check-in. Syempre, excited sa first time, parang honeymoon night! Pinag-isipan pa namin kung saan kami pupunta, gusto nya sa Sogo, kaso ang naiisip nya naman ay sa Guadalupe pa, josko naman, masyado akong excited para mag-travel nang ganun kalayo. Nasa San Juan kami, syempre, mas madali kung sa Sta. Mesa na lang kami, dami kaya dung magkakatabing motel! “Anong sasakyan natin? Taxi? Dapat taxi diba, para di nakakahiya!” sabi ko. “Wagna, jeep na lang, mahal pamasahe sa taxi. Wala naman tayong masamang gagawin ah! Bat tayo mahihiya?”. Kaya, nag-jeep kami. Pagdating pa lang ng jeep sa kalye ng Old Sta.Mesa, nanghahaba na ang leeg ko katitingin kung saan kami pwedeng mura-mura. Lahat ng motel advertisements binabasa ko. “Sis, anong pinagkaiba ng taxi room sa de luxe room?” tanong ko. “Ewan ko.” “Mas mura ang taxi room, baka pag taxi room, kasya lang ang taxi sa loob, nasa garahe lang, kasama pa ang drayber… para bantay?” Ngisian kami. “Tingnan mo yun, Bayanihan Room. Baka pag pumasok tayo dun, bubuhatin nila yung kwarto, ililipat sa kabilang dulo, palipat-lipat, hanggang mag-check out tayo.” Korni! “Meron pang Love Seat! Ano yun, pagpasok mo sa kwarto, upuan lang ang nasa loob… magkakandungan lang kayo?” “Eto, Langit Room! No need to explain? Hindi, baka sa rooftop kayo ilalagay, masaya yun, gazing at the stars… tapos, uulan… basa! Basang-basa!” Kapwa kaming kinikilig sa pinag-uusapan namin, nagdadalawang-isip tuloy ako kung talaga bang nakapasok na sya duon before. Yung mga katabi naming lalaki sa jeep, nakikinig yata sa amin, titig na titig sa amin. Bumaba na kami.

Anhirap pala kapag marumi ang isip mo kapag papasok ka sa ganuong lugar, kahit na dala lang ng curiosity ang sa akin, nahiya pa rin akong maglakad papasok, lalo na’t yung mga naiwang pasahero sa jeep na binabaan namin ay sinusundan kaming dalawa ng tingin. Kahit na ang original kong fantasy na pupuntahan namin ay ang famous na Anito, lumakad kami pabalik sa mga nadaanan na namin. 

Nakakahiya na sa bawat gate na binalak naming pasukin ay nakatingala kami sa room rates na nakapaskil sa mga bilboards nila, tapos magtatawanan kaming lalakad uli. Konting tulakan pa para makapasok na talaga sa isang motel na hindi ko na rin babanggitn ang pangalan dahil hindi naman nila kami binigyan ng discount at hindi sila nagbigay ng advertising fee sa akin para I-promote ko ang motel nila anoh! Paano naman, nakalagay sa bilboard nila, ang Quicky rate daw nila for 2 hours ay P200, okay na sa amin yun, tutal hanggang 4 o’clock lang naman kami. Pagdating namin sa front desk counter (na ironic, dahil wala naman sya sa front kundi sa madilim na pinakadulo, dun sa malamok!). Nagsabi na si Monette na magche-check-in kami dun sa pang P200. Sumagot ba naman yung nasa counter ng “wala na kaming available na pang-two hundred” “E ano na lang yung pinakamura nyo?” “Yung P250 po” nagkatinginan kami. Alangan namang lumabas pa kami, mahihiya na naman kaming mamili kung saan kami papasok! “Sige, malinis ba?” Alangan namang sumagot ng hindi diba. Sumingit ako ng tanong “May TV? May aircon? Tsaka maraming salamin?” Ewan ko, na-weirduhan yata sa akin, hindi sumagot. Nagtawag na ng boy o bellboy ba yun? Akyat kami sa isang maliit na hagdan, mahabang pasilyo, parang maze. Parang wala silang planong palabasin kami ah. Room 209 yata yun. Pagbukas ng pinto, may tokador tapos may pinto pa uling binuksan, dun pa lang tumambad sa amin ang kama. Luminga-linga ako, walang salamin? Nakiramdam ako, mainit? Patay pa ang aircon. Hinanap ko ang TV, nasa itaas, anliit! Nakabukas ang radyo, nasa AM pa yata nakalagay. Hinanap ko ang radyo, diko makita yun pala, nasa loob ng maliit na kahon na gawa sa plywood na naka-attach sa dingding. Naknaman ng teteng, kala mo naman may plano pakong nakawin yun, sa tingin ko nga, hindi radyo yun eh, speaker lang, nasa counter sa ibaba ang tunay na radyo. Tiningnan ko ang CR, tadaaan! Bulaga! Anlawak-lawak! Pwede pa kayong magtakbuhan sa loob sa sobrang laki. Naghanap kaagad ako ng mga travellers’ toothpaste at toothbrush, tissue, sabon at kung anu-anupang nababasa kong laman dapat ng isang motel… mga tsang, isang malaking wala! Pati nga tubig wala eh, itatawag mo pa yata sa room service para ipag-iigib ka ng pampaligo… o panghugas ng… kamay… at… 

Dismayadong-dismayado talaga ako sa inabutan ko, hindi naman ganun ang itsura ng motel sa pantasya ko, Kuya Xerex… Akala ko talaga, wall to wall ang (one-way na) salamin. Akala ko, marami akong maiuuwing souvenir, kahit sana tissue na maylogo ng pangalan ng motel, sino pa ang maniniwala saking nakapasok na nga ako sa ganuong lugar? Wish ko lang hindi ito mabasa ng kahit sino sa mga kamag-anak ko, kasi, sila lang ang naniniwala at labis na nagtitiwala sa aking hindi ako gagawa ng kalokohan.
Binuksan ko ang TV, umaasang may bold akong mapapanood. Naknangteteng, Malabo pa sa mata ng Lolo ni Lapu-Lapu ang reception ng TV, naturingang naka-cable pa! Ang maayus-ayos lang na channel ay Channel 7! Anubayun! Ang pinakabold kong napanood ay ang pagsasayaw ng Sexbomb Dancers ng “ Lalalala-laban, Babababa-bawi!” Kaasar! Ayoko pa naman sa Sexbomb! Kung papatayin ko naman ang TV, saying naman ang binayad naming sa kuwarto (si Monette nga lang pala ang nagbayad), kaya, hinayaan ko na lang na nakabukas ang TV. Nilapitan ko ang aircon, ilalakas ko sana, naknang, tanggal ang dial! Tuso rin ang may-ari ng motel na yun! Buksan nalang ang lahatng ilaw! Ganun din, tigpa-five watts yata bawat bumbilya, eh di parang di na rin kumain ng kuryente yun! Wala na ba akong magagawa para maka-get even sa mahal ng binayaran naming (ni Monette pala) sa kuwarto? Hmmnn… bat kasi anliit ng nadala kong bag, kahit na ba malagkit pa yung bedsheet, naiuwi ko sana! Diko trip yung kurtina, mukhang mabigat sa sobrang gabok eh! Kukunin ko nga sana yung bumbilya, kaso, aanhin ko naman ang bumbilyang parang Christmas lights ang liwanag? Tsaka ayon sa rules na nakapaskil sa tokador, bago raw kami lumabas, i-che-check pa ng roomboy ang mga gamit sa loob ng kwarto…baka nga iniuwi ko na ang radyo/speaker/plywood nila, iche-check pa kung nandun pa ang pinakamamahal nilang TV na mahusay pa yung TV na nabibili ng P900 sa mga Korean Surplus Store! Alamnyobang pati bateri ng remote control, hindi mo makukuha dahil ikaw mismo ang magsu-surrender non sa counter, bukod sa balut na ballot ng plastik yung remote control… bibili na lang ako ng bateri sa bangketa, yung “Everybody” ang tatak! Hmp!

Pinipilit ko sanang matulog na lang din tulad nung kasama ko, kaso, kahit na disappointed ako sa lugar na iyon, ewan ko, bat ako naiinspire na magsulat tungkol sa mga detalye ng nakita ko para nga may maikwento ako sa inyo kahit na boring. Pinag-aralan ko tuloy ang Rules and Regulations nila. Bawal palang mag-check-in ang igit sa dalawang katao, so, wala ngang gangbang? Pwede, kaso, may ekstrang bayad bawat taong papasok… sa loob ng kuwarto hah, kapag sobra na sa dalawa ang nag-check-in. Wala namang problema kahit labing-dalawa pa kayo sa isang kuwarto, I mean, dalawa sa kama, dalawa sa sahig, dalawa sa tokador, at tatlong pares sa banyo (sobrang laki talaga!)

Kung inaalala nyo ang sikmura nyo na baka hindi kayo makapag-enjoy dahil kumakalam ito, hindi naman kayo dapat mag-alala. Meron namang room service, ang menu ay nakapaskil (nang mabuting mabuti sa dingding, dahil baka raw pati iyon ay pagdiskitahan kong iuwi), ewan ko lang kung anong number ang ida-dial sa telepono. Alam kong curious kayo kung ano ang laman ng menu nila at kung magkano ang kailangan nyong paghandaan para maka-order sa room service, kaya kinopya ko ang ilan sa mga nakasulat sa menu (tama sila, kung hindi nila ikinabit mabuti sa dingding ang menu, malamang naiuwi ko na nga iyon, ipapa-scan ko at gagawing attachment sa article na ito, at yung original na menu, ipapa-wood laminate ko para katunayang nakapunta na nga ako sa ganuong lugar!)
Filipino (good for 1)
Tapsi, Tosi, Longsi, and Adsi (Adobo at sinangag yata)
Served w/coffee and fruit (palagay ko saging) P75

Para ka na ring nag-almusal sa Jolibee with mango pie, kaya lang may libre pa yung dyaryo, dito wala.

American Breakfast (good for 1)
Served w/coffee and egg P80

So, ang pinagkaiba lang ng American sa Filipino Breakfast ay itlog na P5, pero kung ako sa inyo, sa Filipino Breakfast na lang ako, may fruit nang kasama, P75 lang! Pero depende rin yun kung gaano ka kagutom, baka mamaya dyan yung fruit nila, isang pisnging mangga o kaya’y isang piraso ng bayabas o aratilis!

Shakes
Green mango P55 (sakaling naglilihi na ang kasamang babae)
Peacherita P50 (maliit na peach lang to na kinutsara, hence, peacherita)
Pineapple P50 (Del Monte siguro na inalog-alog)
Ripe mango P55 (bilinan ang room service na wag isama ang buto sa blender)

Beverages
Coffee P20 (ito yung Nescafe sa sachet na tig-wa-wanpipti tsaka kalahating kutsarang asukal)
Cappuccino P35 (Nescafe o Great Taste siguro sa sachet pa ren, dikoalam kung magkano yun sa tindahan eh)
Hot Chocolate P25 (dalawang kutsarang Milo o kaya’y tigpi-pisong kokwa at mainit na tubig)
Hot Milk P25 (hindi sinabi kung saan galling ang milk eh)
Hot Tea P20 (ito siguro yung Lipton na pang-apat na sawsaw na ang mapupunta sa iyo, di lalagpas sa tatlong piso ang isang teabag)

Beer (sakaling gusto mo pang makalimot kung sino ang katabi mo sa kama)
SMB P25 (mas mura ditto kesa sa ibang club, Happy Hour palage!)
Budweiser P30 
Blue Ice P30
Super Dry P30 (walang Whapak! Ditto eh)

Diba okay, bago, pagkatapos, at habang nagga-gangbang, isabay sa kasiyahan ang inuman! Para sa pulutan, (yung katabi nyo na yun), eto ang ilan…

Calamares P70
Chicken Wings P80
Sizzling Sisig P100
French Fries P55 (amMahal!)
Fried or Boiled eggs (2 pcs) P30 (mag-American Breakfast ka na lang, P5 lang isa ng computation ko run)
Open Hotdog P40 (diko alam kung bakit ako natatawa sa pangalang ito)
Pancake P40 (pulutan ba’to?)
Toasted Bread P14 (naligaw nga, pero kung wala kang pera, pwede na rin!)
Tuna P40 (Century Tuna lang siguro to, kalahating lata, share kayo nung pusa sa bubong)
Fish Finger P90 (papiktyur din nito, may daliri pala ang isda! Kaya nga P90 isang daliri eh, mahal!)

Syempre, diba sa TV at pelikula, after ng sex scene, palaging yung babae naninigarilyo, kaya may tinda rin silang sigarilyo. Pero hindi katulad sa beerhouse ang presyo nila, ditto, presyong yosi sa kalye lang kapag trapik.
Local Blue
Winston P30 P50
Marlboro P30 P50
Lights P35 
Philip P35

Yung sigarilyo, under na yun sa miscellaneous. 

Hinuli ko ito kasi kadalasan kadalasan naman talagang hinuhuli ito at saka ditto ako naloka!

Lotion, Oil, Powder, Alcohol P25 (pangmasahe…lubricant…pwede ba ang powder don? Alcohol, pang-disinfect!)
Bubble Bath (for Jucuzi) P30 (walang Jacuzi yung amin eh, ano kayang itsura nun? Batya na may istro sabay buga ng mga roomboy for bula efek?)
Shampoo or Conditioner P10 (eto na ang umpisa ng lahat na lang bibilhin mo!)
Safeguard P10 
Toothbrush P15 (pare, made in China toh! Imported!)
Toothpaste P10 (baking soda at asin)
Comb P10 (wagnang magsuklay!)
Trust comdom P10 (reasonable price nato, ayon kay Benjamin Pascual)
Lighter P20 (muntik nakong bumili nito, susunugin ko na lang sana ang lugar na yon)
Match P2 (pero nakita ko to, mas mura, pero naisip ko baka isang palito lang to, luge, di bale na) 
Razor P15 (someone’s hairy huh!)
Cotton buds P10 (“nakakabingi” raw kasi)
Facial Tissue Paper P10 (tatak Hua Shih Zhou)
Toilet Paper roll P25 (kasi naman, walang tubig, sampung piso pa ang sabon!)
Band-Aid P1 (sakaling “masugatan”)
Neosep P5
Biogesic P4 
Medicol P2 (ano ba to, drug store?)
Ponstan P20 (kapag may masakit)
Alaxan P10 (eto kapag pati buto masakit)
Diatabs P4 (naknang… sobrang ka-badtripan naman ang inabot nito, wala na
ngang tubeg!…)
Storck & Mentos P5 (diko alam kung ilang piraso ito
Lipovitan/Red Bull P40 (pampadagdag-lakas… wala silang tindang balut eh!)


Ang problema ko lang sa pagsusulat ko, hindi ko alam kung paano ko ba tutuldukan, tatapusin ang isang kwento, lalo na kung wala itong kwenta tulad nito. Wala nga ba itong kwenta? Para sa mga katulad kong inosente, may kwenta to noh! Sa susunod na pagpasok ko sa motel, sana, dun na sa class… dun sa may maiuuwi na akong tutbras at bimpo na may logo. Siguro, hindi na motel ang tawag dun, hotel na talaga… Anyway, sana sa susunod, lalaki na ang kasama ko… 


(HE HEH, INUULIT KO PO, 2004 PA PO ANG ARTICLE NA ITO... YANG PICTURE NA KALAKIP NITO, HINDI YAN YUN! AT HINDI RIN AKO YUNG HINUHULI NG GUARD...)


Biyernes, Hunyo 1, 2012

Nilumang Kalatas Sa Mga Kaibigan Sa Panahon Ng Tag-Tamad


      uhmmmnnn...  mejo wala ako magawa ngayon, dito lang ako sa ofis, walang trabaho sa labas kasi may convention mga doktor, ano nga ba tawag sa convention nila?....   ahhhhhh....  PCP Convention, sa Shangri-la Plaza....   ano?  ano ibig sabihin ng PCP?  ahhhh....  Philippine College of the Philippines yata eh.....  ay hindi pala, Philippine College of Physicians pala....  wala lang....  sana may maisip akong pampahabang maisusulat para naman hindi puro tuldok lang ang nababasa nyo ngayon.................................................................................................................................................................    ahhhh............................  wala talaga akong maisip eh, nakatulugan ko na naman ang pagkakapindot sa tuldok.............................................................................................................................................................................................................................................................................  okay, iba naman ,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,  ngapala, nabasa ko na nga pala yung "Ang Alamat ng Gubat" ni bob ong,  anggaling ko nga eh, isang tayuan lang sa national bookstore, tapos!!!!  he heh!!!!!   alamnyo, di kayo maniniwala pero may naisulat na rin ako nuong parang alamat ng gubat din pero hindi alamat ng gubat................................  ano daw?!!!!   di ba yung alamat ng gubat, kwento ng talangkang mala-ibong adarna ang kwento...................   ano na naman daw?!!!!   yung kwento ko naman, "adventures of kuto"................................  nakalimutan ko na yung title eh, pero kinontak ko yung kaklase ko nung college, nasa kanya kasi yung original copy ko nun...............................  anyway, yun nga, baka next week makuha ko sa kaklase ko yung "adventures of kuto".................   ano ang istorya ng kwento ng kuto?.....  wala lang, hindi ko nga ren naintindihan kung ano ang kwento nun, kasi ginawa ko yung kwentong yun para makabuo lang ng kwentong walang kwenta....  ang alam ko nga, hindi pa tapos yung kwentong yun eh................................   wala reng originality yung kwentong yun dahil yung original concept ng kwentong yun ay ginaya ko lang sa isang featured article ng school paper ng University of the East, yung "DAWN".........  pero hindi galing sa "DAWN" yun, yung Spoof Counterpart ng "DAWN",   Yung "DAW".................   ang title ng article na yun ay.................  "The Never Ending Story of the Quick Brown Fox That Jumps Over the Lazy Dog"...................................   Wish ko lang merong nakabasa sa inyo ng article na yun, kasi, sobrang kagila-gilalas talaga at kamangha-mangha yung style ng pagsulat ng kwentong yun na tila wala talagang katapusan................   sigurado akong nagkandaduling yung typist at nag-proofread ng article na yun kata-type ng "the quick brown fox that jumps over the lzy dog" at kakacheck ng proofreader ng maling  spelling sa "the quick brown fox that jumps over the lazy dog"...................................   wish ko lang din, hindi pa nga nangatngat ng mga daga yung kopya ng sinulat kong kwento ng kuto...........................................   mahaba na ba ang naisulat ko????   yanyo na, at least may pagkakaabalahan uli kunwari si esner na babasahin sa computer nya...................  ongapala, si adrian den, may mababasa den..............................................................................................................................................................................................................................................................................................................  ay, wala pa .........................................................................................................................................................................................................................  he hehh....  ang hirap ng ganito, walang magawa, as in, kanina pa kami ng counterpart ko dito sa ofis, may meeting ang mga bossing sa CR, i mean, conference room, dapat kanina pa kami lumayas dito, kaya lang naisip namin, kapag lumabas pa kami, wala rin kaming makokober na doktor dahil nagpunta nga sa PCP, eh di, wala ren kaming per diem na matatanggap dahil wala kaming trabahong maire-reflect sa araw na ito, kaya, nag-stay na lang kami dito, problema, baka kako makita kami ni mrs. president na nandito pa ren, syempre ha-haybladin yun kasi diba, dapat nga magtrabaho kami sa labas, kaso, naisip naman namin, kapag lumabas kami, wala naman kaming makokober na doktor sa hospital dahil nagpunta sa convention, kaya, naisip naming mag-stay na lang sa ofis at magpatay ng oras, wag lang kaming makita ni mrs.president na walang ginagawa.......  napansin nyo bang naulit lang yung kwento ko?  parang ganun ang kwento ng "the never ending story of the quick brown fox that jumps over the lazy dog"  na ginawa naman ng "adventures ni kuto"...........   pero mas walang kwento yun...........   o mas walang kwento to.............  balik tayo sa kwento ko, ayun nga, pinagplanuhan na nga naming ibaon pauwi yung hinandang breakfast samin kanina, dambuhalang pandesal at cheese whiz.......  gusto ko ngang iuwi na lang yung cheese whiz, kasi hindi naman kami nakakakain ng cheese whiz sa bahay, mahirap lang kasi kami kaya hindi kami nakakabili nun, naalala ko nga ang mama ko eh, hindi pa ren yun nakakakain ng cheese whiz, mga ilang taon na ren siguro........................  he heh...............  kaya, naisipan kong nenokin, pero hindi ko nagawa, kasi, yung counterpart ko nakatingin saken, tapos sabi nya, hindi ren daw sila nakakakain ng cheese whiz sa bahay nila, kasi raw mahirap lang sila kaya hindi sila nakakabili nun, naalala nya raw ang mama nya, hindi pa ren nakakakain ng cheese whiz yun, mga ilang taon na ren siguro.........................  sa madaling salita, pareho kaming kaawa-awa, kaya, pinag-hatian na lang namin yung pan de sal, pinalamanan ng maraming cheese whiz,  ibinalot sa tissue, isinilid sa plastik, at itinabi, plano naming ipasalubong sa pamilya naming hindi pa nakakakain ng cheese whiz, maraming taon na ren, dahil mahirap lang kami at hindi namin kayang bumili non....................  tapos, nagkwentuhan kami sa kwarto ng boss namin, kasi nasa conference room naman sila.................   inabot kami ng tanghalian sa loob, maya-maya, kinakatok kami ng secretary, kakain na raw ng lunch, nahihiya sana kaming lumabas dahil makikita kami ni mrs. president na hindi kami nagtrabaho, pero sabi ng secretary, sinabi nya na raw kay mam na half-day leave na raw kami dahil wala nga ang mga doktor sa hospital, tapos, mayamaya, kinakatok na kami ni mrs president, kakain na raw kami...................   syempre, kakahiya man, lumabas na ren kami para makikain sa pagkain nila................  okay lang naman, kasi marami naman yung hinanda nila, kaso puro pampabata yung ulam, kare-kare na puro tuwalya ng baka na may bagoong at homemade chicharong bituka ng baboy at baka,  may pambawi naman, may pritong dinaing na bangus,  kaya lang maalat.........................................................................................  so, ayun, kapal ng mukha ko, duon pako umupo sa tabi ni mrs. president, kasi dun sa harap ng serving table sya naupo, kaharap ng handang ulam, sa tabi ako ng malaking rice cooker, kala nila konti lang ako mag-rice, maya-maya naman ang kuwit ko sa kaldero.......................................................   ayun, natapos ang tanghalian, nag-isip kami kung uuwi na kami ng counterpart ko, sabi ko, pag umuwi kami, maiinitan kami sa labas, wala rin namang gagawin sa bahay, dito na lang kami sa ofis, malamig pa..............................  konting kapal ng mukha lang ang kailangan....................................................... hintayin na namin ang merienda ng mga bossing, may pasalubong pa kaming pan de sal with cheese whiz pag-uwi namin!!!!!   he heh.....................  so, break time ng mga bossing, inupuan ko na tong computer na to, nagkwento ng walang kwento, hinihintay ang merienda, nangingiti sa isiping mamaya, meron pa kaming tinapay with cheese whiz!!!!   eto na, mayamaya, lumalapit si immediate bossing, " yung tinapay nyo sa ref, kinain ko na hah", napatanga akong nandidilat sa kanya, eh malaki ren ang mata nun, akala ko pinandidilatan ako ng mata, mas nilakihan ko pa ang dilat ko, with matching buka ng butas ng ilong, kulang na lang may lumabas na puting usok, at lalabas sa bintana ang newly elected pope, wait, anoto conclave????   so ayun nga, kinain ni bossing yung pinapangarap naming cheese whiz, inintindi ko na lang din, kasi, parang nakita ko sa mga mata nyang ilang taon na ren syang hindi nakakakain ng cheese whiz, mahirap lang kasi sila, at almnyona ang kasunod nun, wala silang pambili ng cheese whiz................................................................................   nanawagan po ako sa mgareregalo saken sa birthday ko, pakisamahan po ng 500 mL bottle ng cheese whiz, isa saken, isa sa mama ko, isa sa counterpart ko, isa sa nanay ng counterpart ko, at isa sa immediate bossing ko........   mahirap lang po kasi kami, ilang taon na rin pong hindi nakakakain ng cheese whiz at hindi sapat ang kakarampot na sahod ng manggagawa upang makasuporta sa araw-araw naming pangangailangan ng cheese whiz!!!!   he heh...............  pare, ang haba na ng kwento ko, kelan ko kaya maiisipang tapusin to?????   ay, first paragraph pa lang pala to noh!!!!   okay, next paragraph please!!!!

       ayun nga, antaba ko na, nakalimutan kong mahirap nga lang pala kami, wala akong pambili ng 500mL na laxatives!!!!!   paano naman kasi, yung ahente sa area, nauto kong bigyan ako ng weighing scale, kapalit ang pagsagot ko sa kanya...........  sa kanyang questionnaire, na dapat eh doktor ang sasagot, eh, kaya ko namang doktorin ang sagot nun eh, kapalit ng isang weighing scale, so, ayun na nga, nabigyan ako.  everyday ngayon nagtitimbang ako, naknaman ng teteng, dati 48 kilos lang ako, nagulat ako nung sabado, 55 kilos nako!!!!   abah!!!  isang kaban at isang 14 inches television na pala ako!!!!  haaayyy!!!!   naisip kong baka busog lang ako, so pumasok ako ng banyo at nagbawas ng timbang, tapos ay tumuntong sa timbangan, aba, akalain mo yun, isang kaban na lang ako ngayon!!!!  50 kilos!!!! para ngang nag-crack yung tiles ng banyo namin, nabigatan yata nang magdeposito ako ng limang kilo...............   isipin nyo yun, kuha kayo ng limang kilong baboy, tapos, ihulog nyo sa inodoro......   ganun ang naging itsura ng banyo namin nang lumabas ako...........  mabara-bara???  anubato, gross na naman ang mga pinagsususulat ko dito............  baka ma-ban ako ng mga vegetarians at tubero dito.................................................................................................................................................................................................................................................. 
     anongakaya kung gumawa ako ng libro?  naalala nyo yung kaklase ko nung college na nagtatago ng kwento ko?  parang antagal na kasi nuon eh, ayun, tinanong ko sya kung ano nga kaya at gumawa ako ng libro, bibili kaya sya?  sabi nya oo raw, bigyan ko raw sya ng 50% discount.  sabi ko, pipirmahan ko na lang yung libro, tapos ibenta nya ng doble ang presyo, di ba ganun din yun, para na ren syang may 50% discount!!!  wala lang...................   kelangan ko nang umeskapo, dumating na may-ari ng upuan ko ngayon, galing sya sa lamig ng air-con ng conference room, kailangan nya ang init ng katawan ko........................   init pala ng puwet ko sa upuan nya.................  bye bye muna po...........  see you when i see you..............  ano bang magandang one-liner para ending dito???  .........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................  

wala akong maisip

Lunes, Mayo 28, 2012

Kaya, Dito Na Lang...

    Pinakamahirap sa lahat ng pagsusulat ay yung gusto mong magsulat pero wala ka namang maisip na isusulat.  Sa kaso ko, bihirang mangyari yun, lagi akong may gustong isulat at kung maaari nga lamang on the spot ay maisulat ko na kaagad ang naiisip ko.  Dahil kapag pinagtagal ko pa iyon, makakalimutan ko na at kapag naalala ko na uli at tinangka ko nang isulat, nagiging korni na ang labas, baduy, jologs!  Kumbaga sa sopdrinks, nabuksan na ang bote, nakawala na ang espiritu, hindi na nararamdaman ang pagguhit sa lalamunan.  Wala nang thrill, walang sustansya, sayang lang ang tinta.

     Ang kaso ko pa naman, madalas kapag nakakaisip ako ng isusulat, yun ay sa oras ng trabaho ko, yung tipo bang, naglalakad ako sa maalikabok at mabatong kalye at naisip kong isulat kung gaano kalaking kulangot ang nasasala ng ilong ko, o ikwento ko ang plano kong pagvi-video sa dalawang asong naglalampungan sa daan.  Hindi naman pwedeng right then and there ay sumalampak ako sa bangketa at magsulat diba, syempre, mavi-video muna ako!  Pero dahil nga sa dilemma ng ano ba ang mas gusto kong gawin, magsulat o mag-video, wala tuloy natuloy alinman sa plano ko.  Nakaraos na yung dalawang aso at hindi rin ako nakapagsulat dahil hindi ko natiis ang malaking kulangot na nakabara sa ilong ko, nangulangot na lang ako.  Pero hindi ko rin naisulat kung gaano kalaki ang kulangot na nakuha ko, dahil nalaglag iyon sa batuhan at hindi ko alam kung alin na ang kulangot at alin ang bato.

     Nakakapagsulat lang ako nang mahusay kapag mga alanganing oras ng hapon, kapag oras ng “Eat Bulaga” at malapit nang mag-“Dramarama Sa Hapon” hanggang sa bago mag-alas singko.  Yun yung mga panahon na halos lahat ng tao ay walang magawa o ayaw gumawa dahil tinatamad.  Dun ako sa huli, tinatamad magtrabaho, bukod sa wala naman talaga akong magagawa sa ganuong oras, nagsusulat na lang ako.  Ang kaso nga, ang pangalawang pinakamahirap sa pagsusulat ay yung wala kang lugar na mapagsusulatan.  Hindi problema ang papel, draft lang naman ang isinusulat ko, kahit na sa tissue paper okay lang, wag lang ako maiihi o matatae habang nagsusulat dahil tiyak na maipamumunas ko ang “draft” ko.  Mas madalas pa naman ako magsulat sa mga fastfood at hospital.

     Masarap sanang magsulat sa fastfood chains lalo na at ang oras ng pagsusulat ko ay yung oras na walang gaanong taong kumakain, walang reason para ma-conscious ako na baka may gustong umupo sa mesa ko para kumain.  Ansarap nun, aircon pa!  Ang mahirap lang, pag napasarap ako sa sinusulat kong wala namang laman, hindi na ako makatakbo kaagad sa pupuntahan ko para magtrabaho kapag natauhan ako.

    Mas safe kung magsusulat ako sa hospital, anytime na maisip kong magtrabaho, presto, nasa trabaho na ako!  Pero mahirap pa rin maghanap ng lugar na pagsusulatan.  Anhirap nung nagsusulat ka, may katabi kang pasyenteng nakikibasa sa sinusulat mo.  Pag natatawa ka sa sinusulat mo, nakikitawa rin.  Wala kang privacy!  Ayan, akala nya hindi ko sya napapansin na binabasa nya ang sinusulat ko.  “Wala ka nang magagawa, naisulat ko na, naisumbong na kita sa mga readers ko!”. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  Haaay, sorry about that huh, umalis na sya, nahiya, mabuti naman!  Ba’t naman hindi sya mahihiya, eh hindi ako tumigil kakatuldok hanggat hindi nya inaalis ang tingin nya sa sinusulat ko!  Makalipat na nga rin!

     So ganun nga, anhirap maghanap ng lugar na pagsusulatan, mabuti na lang at nakita ko ang lugar na ito…  Okay dito tahimik, sarili ko ang bentilador, malamlam nga lang ang lighting, pero okay lang sa akin, at least nakakapag-meditate akong mabuti…  solemn.  Bukod dun, pwede akong magtanggal ng sapatos at malaya kong maiko-”close-open” ang mga daliri ko sa paa.  Malaking kaginhawahan din yun sa akin anoh!

     Hindi rin naman ganun kaganda ang lugar na ito para pagsulatan, I mean, meron ding mga istorbo.  Paminsan-minsan may pumapasok, so kailangan kong tumigil sa aking ginagawa at magkunwang nag-iisip.  Anhirap nun hah!  Mabuti na lang at di naman sila gaanong nagtatagal, ang kailangan ko lang gawin ay pumikit at isubo nang buo ang bolpen ko nang para lang nagdarasal.  Matagal na ang sampung minuto, aalis din yung pumasok…  pero kulay violet na ang mukha ko sa pagkabulon sa nakasubong bolpen.  Iyon ang dahilan kung bakit pinili kong umupo sa sulok, dun sa bandang hindi ako mapapansin ng bagong dating.  At least hindi na ako mapipilitang isuot ang sapatos ko at isubo nang buo ang bolpen at papel.  Ang mahirap ay yung may darating na may dalang rosaryo at nobelita!  Thank God, di pa naman ako nakaranas na madatnang nagsusulat ng ganuong klaseng tao sa prayer room!

     Oo na, bad na ako kung bad!  Pero kailangan nyong maintindihan na alisin mo lang ang sign na “Prayer Room” sa labas ng pintuan ay hindi nyo na maiisip na prayer room nga ang natagpuan kong hangout para mapagsulatan.  Puro upuan lang sa paligid at dim light, ni walang “krus” kang makikita, considering that it’s a Catholic-governed hospital.  Iyon nga ang maganda sa lugar eh, blank space ang paligid, kahit ayaw kang dalawin ng sagimsim, pwedeng-pwede mo itong tawagin at kahit ano, maisusulat mo.  Kahit pamparami lang.  Ang kaso nga lang, hindi ako makapagsulat ng gross na topic, yun pa naman ang expertise ko!  Nagi-guilty na nga ako eh, hindi ako dapat nagsusulat dito.  Hindi ko rin dapat i-try na matulog dito tulad ng plano ko 3 weeks ago nang karirin kong pasukin ang kwartong ito “for curiosity’s sake”.  Time na para lumabas.

     Ngayon, balik ako sa dating problema, saan ako magsusulat?  E di sa tamang lugar, sa bahay.  Natural, hintayin ang pagtirik ng buwan at pagdilim ng kalangitan, kung hindi pa ako tulog at pursigido pa akong tapusin ang walang kakwenta-kwentang article na ito na pamparami lang.  Hintaying makatulog nang mahimbing si mama, pigilang makatulog si sarili para makapagsulat.  Ilabas ang inuming alcohol, mga tatlong shots tapos bira na ng sulat!

     I swear, pag yumaman ako, magaala-psychologist slash detective slash professional writer ako complete with tape recorder and personal typist para hindi ko ma-miss ang lahat ng gusto kong isulat.  Pero for now, pag sinumpong ako ng kawalanghiyaan, papalitan ko ang sign sa labas ng prayer room ng hospital…  “Private Property No Trespassing”  at sa door knob:  “Do Not Disturb!”

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Mga Lalaki At Bubot Na Rosas (Ikalawang Yugto)


     Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nabuhay magkatabi nang hindi nag-uusap.  Ang natatandaan ko lang, nagsimula kaming mag-usap nung minsang pumasok ako nang maaga.  Six o’ clock ng umaga ang flag ceremony, five thirty pa lang nuon, sarado pa ang kwarto namin pero pwedeng maghintay sa labas.  Pagdating ko duon, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kwarto namin, kumakain ng nilagang itlog.  Alangan namang hindi kami mag-batian, so, binati ko sya, “Itlog!”  Ewan ko, ba’t iyon ang lumabas sa bibig ko, pero tumawa sya, tumawa rin ako, nagtawanan kami.  Ang mga bata nga naman!  Iyon ang naging simula ng pag-uusap naming dalawa.

     Lahat na lang pinag-uusapan namin.  Pati kung magkano ang ibabaon namin bukas at ano ang bibilhin namin sa “tray” kapag recess, dapat pareho kami ng kakainin.  Para kung may magtae man sa oras ng klase, pareho kami!

     Paborito nya ang Science, kaya kapag exam ay pinababayaan ko syang sumagot sa test paper nya, tsaka ko na lang kokopyahin.  Ganun din naman sya sa akin kapag Sibika at Kultura ang subject.  Sa kaso ng Mathematics, joined forces kami.  Pareho naming iso-solve ang problem at pagkatapos ay pagkukumparahin ang mga sagot namin.  Ganun din kami sa ibang subjects na hindi kami sigurado sa sagot.  “Tapos ka na?” tanong nya.  “Oo,” sagot ko naman.  “Tara, mag-review tayo ng sagot!”  Ganun lang, at pagtatabihin na namin ang test papers namin.  Pagtatalunan kung bakit letter A ang sagot nya at letter C ang sa akin.  Tapos ay magkakasundo kung kaninong sagot ang mas mukhang tama, at babaguhin ng isa ang sagot nya.  Kung minsan, pag pareho kaming walang sagot sa parehong number, makiki-“review” kami sa sagot ni CC na nakaupo sa unahan namin.

     Mas malinaw ang mata ko sa kanya.  Isa lang ang naging mali ko sa periodical exam sa Math nuon.  Mabuti na lang at hindi pinag-aralan ni Ma’am ang mali ko sa exam.  Tandang-tanda ko pang number 32 yun, ang tanong ay, “What mathematical operation did you use?”  Ang sagot ko ay “B.   Multiplication”, mali dahil “C.  Division” ang sagot.  Kaso, ang sagot ko sa number 33 ay tumama, at ang tanong ay “What is the correct answer to the problem?”  Angaling ko, mali ang mathematical operation na ginamit, pero tumama ang sagot sa computation!  Ansama nga ng tingin ni DT sa akin nang malaman nyang isa lang ang mali ko, samantalang sya, lahat halos ng sagot sa problem-solving ay mali.

     Magkaiba pala kami ng pinag-“review”-han ng sagot, nagtiwala kasi sya sa test paper ni RM na katabi ni CC.  Samantalang ako, nang ipa-pass ko na ang test paper ko, hinablot ako ni CC at sinabing, “Huy, kinompyut ko isa-isa, ganito ang sagot oh!”  Dahil mas kapani-paniwalang nag-kompyut nga si CC nang tama, kinopya ko ang sagot nya sa problem-solving!  Nakupo, baka bawiin sakin yung ribbon ko ng “Best in Math” nung Grade 3!

     Okay namang katabi si DT sa upuan.  Masasabi kong popular sya sa klase.  Simula nung manaksak sya ng lapis, nakilala na sya sa klase.  Maraming nangingilag sa kanya, kabilang na ako nuong una.  Pero nang maglaon nga, hindi ko na sya kinatakutan.  Kung sabagay, mas madalas namang hindi ko sya katabi.  Kung saan sya nagpupunta, hindi ko alam, basta, madalas syang wala sa upuan nya.  Maririnig ko na lang na isinusumbong sya ng mga kaklase ko sa Row 3 na nanggugulo, nang-aaway, at nandudura.  As long as hindi ako ang dinuduraan, walang problema sa akin.

     Problem-child ang tingin sa kanya ng klase nuon.  Bukod sa pagiging magulo nya, pinangingilagan din ng karamihan ang itsura nya.  Ewan ko, nag-iba na ang itsura nya kesa nung una ko syang makita, naging madungis sya.  Siguro, excited lang sya nung mga unang araw ng klase kaya naliligo sya sa umaga.  Nang maglaon, aliwan ko nang titigan ang nangingitim nyang leeg, batok, dibdib at tenga.  Kung anu-anong figures ang nabubuo ko sa mga libag nya.  Wala naman syang pakialam kung nakatitig ako sa leeg nya, itinitingala pa nga nya ang ulo nya, para mas mabuo ko ang mapa ng Pilipinas sa leeg nya.

     Sa ganuong itsura nya, nagulat kami isang araw, pinagkakaguluhan sya ng mga babae naming kaklase.  Namimigay sya ng mga sachet ng Palmolive shampoo, galing daw sa tita nya.  Gusto ko ngang itanong kung bakit pinamimigay nya, hindi na lang nya gamitin?  Pero hindi ko sinabi sa kanya yun, ayokong sirain ang moment of glory nya, kahit na masama ang loob ko sa kanya dahil ako yung katabi nya, ni hawak sa shampoo hindi ko nagawa.

     Nuon ko nalaman na iniwan sya ng nanay nya sa tita nya (ewan, para siguro magtrabaho) pagkatapos silang iwanan ng tatay nya.  Nuon lang din nalaman ng klase kung bakit sya ganuon kagulo sa klase.  Ewan, pagkatapos nun, nabawasan na ang nanunukso sa kanya ng “kadiri!”  Minsan, naitanong ko sa kanya, “Kanino ka mas galit, sa mama mo o sa papa mo?”  Walang gatol syang sumagot, “Sa daddy ko syempre, dahil iniwan nya kami ng mama ko!”  Ewan ko, hindi ko na sya uli tinanong tungkol sa personal nyang buhay.  Para sa akin, tama nang malaman kong mahal nya ang mama nya sa kabila ng lahat, at dahil duon, nirerespeto ko sya bilang bata, bilang kaklase, bilang kaibigan.

     Hindi ako naaawa sa kanya kaya ako mabait sa kanya.  It’s just that, ni minsan, hindi nya ako sinaktan at hindi kami nag-away.  Sa unang pagkakataon, namuhay akong payapa sa kinauupuan ko, trinatong babae, kahit kapag nagkukwento sya ay para lang akong ordinaryong lalaki na kasabay nyang umihi sa CR.  Trip na trip nyang magpa-impress sa akin kung ano na ang kaya nyang gawin na hindi gagawin ng karaniwang bata.

    Nung Grade 4, pumilas sya ng isang dahon ng notebook nya, isinubo, nginuya, iniluwa at ibinato sa babae sa likuran na kung tawagin namin ay “Becky”.  Ewan, kawawa naman si Becky, (as in beke, dahil sa nakalobo nyang pisngi) di naman nya kasalanang ma-transfer sa skul namin, galing sya sa probinsya, napagtripan lang na kaasaran at i-bully.  Guilty rin ako, dahil kasama ako sa nanunukso sa kanya at natatawa kapag tinatakot sya nila DT, AP at RL.  Kapag hindi si Becky ang napagti-tripan namin, si CS naman na nakaupo sa harapan namin ni AP at katabi naman ni DT nung Grade 4.

     Bago dumating ang Christmas Party nung Grade 4, nagbunutan kami ng “Monito, Monita”, si DT ang nabunot ko.  Tinanong nya kung sino ang nabunot ko, sabi ko, “babae, bibigyan ko ng headband”.  Totoong may nabili na akong headband pang-regalo, bente o sampung piso lang yata ang dapat na worth ng regalo nuon.  Pero tinanong ako ng mama ko kung ano raw ba sa palagay ko ang bagay ibigay kay DT, yung gagamitin daw nya dapat.  Ang sagot ko, “Ma, malatik ang leeg nya sa libag eh!”  “O sige,” sabi ng mama ko “bibigyan natin sya ng Safeguard at bimpo, sabihin mo sa kanya, pag di natanggal yung maitim sa leeg nya, kuskusin nya ng suka, hah!” pagbibiro ng mama ko.

     Iniwasan kong makatabi sya sa upuan pagdating ng Christmas Party.  Natatakot ako sa maaari nyang gawin sa akin kapag nakita nya ang laman ng regalo nya at pag nalaman nyang sa akin galing yun.  Pero kahit anong pagtatago ang gawin mo, kung “popular” ka naman sa klase, at hinahanap ka ng naghahanap sayo, tiyak makikita ka talaga.  Lumapit sya sa akin, hawak ng dalawang kamay ang nakabukas nang regalo ko sa kanya, “Thank you, hah!” sabi nya kasunod ng isang nahihiyang ngiti.  Ginantihan ko sya ng isa ring nahihiyang ngiti, “Sabi ng mama ko, gamitin mo raw!” bulong ko sa kanya.



…  Itutuloy

Sabado, Mayo 12, 2012

Mga Lalaki At Bubot Na Rosas


     Umpisa ng klase, hinagod ko ng tingin isa-isa ang mga mukha ng kaklase ko, sinisipat kung sino ang nadagdag at sino ang nawala.  Karaniwan na sa public school na ang mga nag-top 5 sa klase nuong nakaraang pasukan ay nalilipat sa section na mas mataas, (halimbawa, ang dating nasa Section 5 ay ililipat sa Section 4 o kaya sa Section 3, 2 o kaya ay 1, depende kung naging gaano kagaling ang estudyante), at ang top 5 namang “rotten apple” ay inililipat sa mas mababang Section.  Ang mga normal na estudyante ay nananatili sa Section nila, at nung mga panahong iyon, isa pa akong normal na estudyante, kaya nanatili ako sa Section na iyon.

     Laking tuwa ko nang mapagtanto kong wala na sa Section namin si CB, na katabi ko sa upuan nung nakaraang schoolyear, na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nakakaaway ko.  Lagi akong umuuwing puro sulat ng lapis ang blouse at palda ko, kung minsan ay mapula ang braso sa pangungurot at suntok niya.  Naalala kong nasulatan ng titser ko ang report card ko sa Second Grading ng, “She’s very talkative in class” dahil sa kanya.  Palagi yata akong nahuhuli ni Mrs. MM na pinagbabantaan ang buhay ni CB  “’wag kang dadaan sa Samat, ‘kala mo!”

     Si CB ang nagturo sa akin kung paano maging matapang, malakas ang loob at umastang siga.  Hindi naman pormal ang pagtuturo nya, dala ng pangangailangan kong ipagtanggol ang sarili sa kanya, natuto akong lumaban, at kung may pagkakataon ay ang maunang makakaltok sa kanya.

     Ngayong pasukan, wala na si CB, sumailalim na siguro sa Witness Protection Program, inilipat sa ibang Section.  Nakahinga ako nang maluwag.  Kung sino man ang naging kapalit nya sa Section naming, hindi na iyon magiging kasing-sama nya.

     Marami ngang nawala sa section namin, marami ring nadagdag.  Kung ilan ang bagong babae, hindi ko alam.  Kung ilan ang bagong lalaki, hindi ko rin alam pero isa-isa ko silang tinitigan.  Wala akong interes sa mga babae dahil alam kong walang pagkakataong makatabi ko sila sa upuan.  Ang laging puwesto ng upuan namin ay babae at lalaki ang magkatabi, para raw maiwasan ang pagdadaldalan ng parehong lalaki at parehong babae.  O kaya, trip lang ng mga teacher ang mag-match-making ng mga estudyante.  Ganon?!

     Tatlo sa mga bagong lalaki ang napagtuunan ko ng pansin.  Hindi ko alam kung “crush” ang tawag dun.  Pero kung sa tuwing may pagkakataon ay kailangan kong sulyapan ang mga mukha nila bago ipagpatuloy ang ginagawa ko, palagay ko ay crush nga iyon.  Hindi sila mukhang barbarian na katulad ni CB.  Maputi, maayos manumit, mukhang matalino, cute!  Naisip ko, kung may makakatabi ako sa upuan, sana isa sa kanila.  Kaiinggitan siguro ako ng mga kaklase kong babae.

     Hindi ko alam kung narinig ni Mrs. VM ang iniisip ko, dahil, itinabi nya nga ako kay RL, at sa likod ko naman ay si AP!  Akala ko tuloy Pasko, narinig ko sa background ng isip ko ang “Jingle Bells”!  Hindi ko na kailangang hanapin ang mga mukha nila sa klase, katabi ko na ang isa, at ang isa ay nasa likod ko lang.  Nakalimutan ko tuloy kung saan napaupo yung pangtlo!  Anyway, masaya na ako.

     Nung una ay tahimik ang bagong magkakatabi, at ang buong klase.  Makalipas ang isang lingo, nagtutuksuhan na ang isa’t-isa.  Si AP, natukso kay CS na katabi nya, hindi ko alam kung sino sa kanila ang mas may gusto kanino.  Hindi naman ako nasaktan sa tuksuhan nila, nakita ko namang bagay sila.  Tsaka, busy naman ako sa katabi ko.

     Busy ako sa pakikipag-debate kay RL na hindi ko alam kung bakit lahat na lang ng sabihin ko ay kinokontra.  Okay lang kung nangungulit lang na nagpapapansin eh, kaso, hindi na cute yung kapag natatalo na sya, nagmumura, pikon.  Tapos, hindi na ako pinapa-share ng libro, dinodrowingan ang notebook ko, niyabangan pa ako na kaya na raw niyang magsulat na bolpen ang gamit.  Nakatanggap din ako sa kanya ng kaltok, okay lang.  May isang pagkakataon namang nagkasalubong kami, bigla ko na lang siyang nasuntok sa mukha… sa walang kadahilanan.  Delayed reaction ko siguro.

     May mga pagkakataon ngang gusto kong maiyak kung bakit sya pa ang nakatabi ko.  Hindi naman sya gentleman.  Ano bang pinagkaiba nya kay CB, bukod sa guapo sya, marunong gumamit ng bolpen, at may panyo syang may tatak na “El Shaddai” na pag napipikon na sya ay itatalukbong nya sa akin at dadasalan ako!  Ano ‘ko, nasapian ng masamang espiritu?!

     Kung lilingunin ko naman sa likod si AP, wala rin akong mapapala, kaibigan sya ni RL.  Pareho lang sila ng ugali.  Nagti-trip sa katabing babae.  Mas mabait nga lang ng konti si AP kesa kay RL.  Nakatabi ko rin kasi si AP sa upuan nang sumunod na pasukan, nung Grade 4.  Hindi naman ako inaaway ni AP nuon dahil by that time, isa na akong certified power-tripper, isang bully.  If you can’t beat them, join them, di ba?!  Kaya, kawawa naman si CS, na tinuturing pa naman nya akong bestfriend nuon, e ako ‘tong nagbubulong kay AP kung ano ang gagawin at sasabihin kay CS para maasar at mapaiyak.

     Normal na nuon ang buhay ko sa tabi ni RL, napag-aralan ko ring sakyan ang mga kwento nyang out of this world.  Nagbait din naman sya sa akin, simula nang masuntok ko sya sa mukha na hanggang ngayon ay di pa rin namin kapwa alam ang dahilan.

     Nagsusulat sa blackboard si Mrs. VM nuon nang makarinig kami ng iyak sa likuran.  “Ano’ng nangyari?” tanong ni Ma’am.  Hindi naman ako likas na chismosa kaya hindi ako lumingon sa likod.  “Ba’t mo sinaksak?”  narinig ko, nang lumingon ako, nakita ko si Ma’am na hinuhubad ang polo ni JB.  Sa bandang likuran ng polo ay may dugo at maitim na tuldok.  Hindi ko maintindihan kaya tumayo ako para makita ang nangyayari sa likuran.  Umaagos ang luha sa mata ni JB, itinuturo ang lalaking may hawak na lapis sa likuran nya.  “Nang-aasar po eh!” sabi ng itinuro.  “Dalhin mo ang nanay mo bukas hah!” sabi ni Ma’am.  Nuon ko naisip, ang lalaking nanaksak ng lapis (na hindi matulis pero nakapagpadugo ng likod hah!) ay ang pangatlong lalaking nagustuhan ko nung unang araw ng klase.  Napatingala ako, “Thank you Papa Jesus, ‘di ko sya nakatabi!” naiusal ng isip ko.

     Hindi ko rin alam kung narinig ako ni Papa Jesus, pagdating ng Second Grading Period, naglipatan kami ng upuan.  Ang ayos daw ng pag-upo namin ay ayon sa grades na nakuha namin nung First Grading Period.  Masaya na naman ako dahil nahiwalay na ako kay RL.  Basta, feeling ko lang di kami magka-level ng utak, at ano ba naman ang probability na makatabi ko uli sya sa upuan?  Hindi ko naman inaasahan yun, pero napunta ako sa Row 1.  Hawak ni Ma’am ang balikat ko, iminuwestrang maupo sa likuran.  Sa paglalakad ko patungong likuran, nahagip ng tingin ko ang lalaking nanaksak ng lapis, nakaupo sa pang-apat na linya.  Dumiretso ako ng lakad sa dulong likuran.  Pagkababa ko ng bag sa upuan at akmang uupo, nagsalita si Ma’am, “Ay, maliit ka para dyan, dito ka sa tabi ni DT maupo.”  Para akong nakidlatan sa kinatatayuan.  Ang batang nagngangalang DT at ang batang nanaksak ng lapis ay iisa!  Lumingon sya sa akin, paanong ang maamong matang iyon ay mata ng isang kriminal, isang saksakero, este, mananaksak pala!  Nang mga sandaling iyon, gusto kong hiramin ang “El Shaddai” na panyo ni RL at italukbong sa mukha ng katabi ko at dasalan sya.  Wala yata akong swerte sa katabi sa upuan!

     Mabait naman sya, tahimik.  Pero mabait at tahimik din naman sya bago nya sinaksak ng lapis si JB diba?  Kaya, nagbait din ako at nanahimik.  Palagi kong pinaaalalahanan ang sarili ko na wag basta-basta manununtok nang walang kadahilanan, at kung may dahilan man, huwag susuntukin ang katabi.  Amen!

… Itutuloy

Martes, Abril 24, 2012

Confessions Of A Sudden Bum


            Hindi madaling maging biglang tambay, lalo na kung babae ka at matagal na panahon na ring sa balikat mo naka-atang ang lahat ng responsibilidad na pinansyal ng iyong pamilya.  Paano mo maatim na isipin na sa bawat minutong lumilipas na wala kang trabaho ay palapit nang palapit ang posibilidad na wala ka nang baryang masusungkit sa alkansya at mag-uumpisa na naman kayong kumain ng Oishi crackers at kamatis;  o kaya’y mapuputulan kayo ng tubig at kuryente;  at paano kung dumating ang punto na maging ang deposito nyong renta sa bahay ay maubos na at matuluyang palayasin ng may-ari ng bahay?

            Maaatim mo bang makita ang nanay mong senior citizen na pero nagpipilit na bumalik sa trabaho, gayung alam mong marami na syang dinaramdam sa katawan?  Paano mo hahayaang umalis mag-isa ang nanay mo araw-araw para mag-trabaho sa lugar na alam mong marami syang madaraanang lubak, humps at hagdan na alam mong anumang sandali ay maari syang matalisod, matapilok at madapa?

            Para makabawi ka sa konsyensyang nararamdaman, nagpakabait ka, lahat ng gawain sa bahay inako mo naman, naglaba ka, linis ng bahay, hugas ng pinggan, nagplantsa, gustuhin mo mang mamalengke, wala ka namang pamalengke.  Para sa nanay mo, naliligo ka na rin araw-araw, kahit na ang prinsipyo mo nuong may trabaho ka pa ay, “walang pasok, walang paligo”. 

Naisip mo pang magtinda ng yelo, ibenta ang mga bote at mga sirang appliances na bibilhin sa iyo sa halagang singkwenta pesos kung pwede pang gawin at pakinabangan.  Naisip mo ring mag-paper mache at gumawa ng paperbag at supot at ibenta, pero alam mo namang walang bibili.  Naisip mo na ring magtanim ng marijuana sa maliit na paso sa bakuran nyo, hindi mo lang alam kung saan ka makakahanap ng binhi.  Kinunsidera mo na rin ang susog ng pinsan mo na gumawa ng malunggay capsule na pwede raw ibenta ng syete pesos per capsule ayon sa napanood nya sa TV, kaso, konti lang ang dahon ng malunggay na tanim ng kapit-bahay, baka maka-sampung capsule ka lang, idedemanda ka pa ng DENR, DOH at ng kapit-bahay mo.

            Sinubukan mong gumawa ng resume, makalipas ang apat na taon, napagtanto mong mukhang basura ang resume mo kung itatabi sa mga resume ng mga makakasabay mong mag-apply. Wordstar pa yata ang program na ginamit mo sa huling resume na nagawa mo at ine-edit mo na lang sana para ma-update.  Nagbukas ka ng internet para tumingin ng makabagong templates ng resume, hindi mo nagustuhan ang mga nakita mo, sabi mo masyadong maboladas ang mga nauusong resume ngayon.  Kailan pa nangyaring ang papel na ipapasa mo sa kumpanya ang magiging dahilan para matanggap sa trabaho, yung papel bang iyon ang magtatrabaho para sa kumpanya?  Pero naisip mong, nagri-reason ka na lang kasi alam mong sa dalawang kumpanyang pinasukan mo sa loob ng sampung taon, wala ka nang maidadagdag na impormasyon para mapaganda ang resume mo.  Mabuti sana kung ang mag-iinterview sa iyo ay yung dati mong teacher sa Araling Panlipunan nung high school na die-hard fan ni Sharon Cuneta, na basta dikitan mo lang ng litrato ni Sharon ang notebook mong che-chekan nya, 100 na kaagad ang grade mo, kahit ano pa ang nakasulat dun.

            Nagpatulong kang gumawa ng resume sa pinsan mo, wala rin naman syang nagawa para baguhin ang resume mo kundi punahin ang weight mong nakalagay, hindi ka raw 110 lbs, sigurado raw syang mas mabigat ka pa sa 110 lbs.   Nag-suggest din sya na lagyan ng “objective” ang unahan ng resume mo, pero wala ka namang maisip na objective dahil hindi mo nga alam kung ano ang pinagkaiba ng adverb sa adjective at kung minsan ay pumapalpak pa sa subject-verb agreement, hindi pala sila nag-aagree.  Ang nangyari, ang pinsan mo ang naglagay ng objective na hanggang ngayon, hindi mo pa rin binabasa kung ano ang inilagay nya, iniisip mo na lang na sana 111 lbs. lang ang inilagay nya sa weight mo.

            Namroblema ka rin bigla nang maalala mong kailangan mo nga pala ng litrato na 2x2 para idikit sa resume mo.  Inisip mong halungkatin ang files mo ng pictures na ginamit mo nuon sa mga ID applications mo.  Hindi uubra, payat ka pa nuon, mahaba at itim pa ang kulay ng buhok, bata pa, maputi at makinis pa ang eyeball.  Naningin ka ng files sa facebook, wala kang matinong piktyur, palagi kang nakanganga, kung hindi man naka-joker smile, naka-hudas at pokpok smile naman.  Kailangan mong magpa-piktur sa tunay na photographer ng pang-ID.  Naalala mo tuloy nung isang araw na pumunta ka sa NBI para kumuha ng clearance, pinaharap ka sa camera pagkatapos i-scan ang fingerprints, nagdalawang-isip ka kung ngingiti ka ba o sisimangot.  Naisip mo kasi, yung piktyur na lalabas sa NBI clearance mo ang ipapaskil nila sa TV at poste ng MRT bilang “WANTED” kapag pinag-suspetyahan kang drug mule ng malunggay capsule na may halong marijuana.

            Nag-internet ka rin at kumuha ng tips sa interview questions and answers, pero nang pina-praktis mo nang sagutin ang mga interview questions, napapatigil ka at napapaisip ng tamang isasagot na hindi ka naman magsisinungaling.  Naisip mo na naman ang personality at psychological exam na kinuha mo para matanggap ka sa dati mong trabaho, nagsinungaling ka nang nagsinungaling sa multiple choice questions, at palagay mo ay pumasa ka dahil sa pagsisinungaling mo, nagduda ka rin sa sarili mo na kung hindi ka kaya nagsinungaling sa exam nuon, ang naging resulta kaya nun ay katunayan na “may sayad” ka nga sa utak?

            Marami ka pang gustong ikumpisal bilang isang “biglang tambay”, pero naisip mo, hindi ka naman magkakatrabaho sa pagsusulat mo ng mga iniisip mo. Iniisip mo pa nga kung maaaliw ang mga magbabasa ng mga isiniwalat mo, na sana ay maisip nilang nakakaawa ka at pasahan ka nila ng regular load na bente pesos sa celphone number mong 09064123905 na hindi mo nga alam kung gumagana pa, dahil mag-iisang taon mo na ring hindi nalalagyan ng load…